Para Kanino Ka (daw) Bumabangon?
“It doesn’t matter how slowly you go-so long as you do not stop.”-Confucius
Sabi nung isang patalastas sa TV, para kanino ka bumabangon? Napag-isip ka ba? Natamaan ka ba? Meron bang konting guilt ka na naramdaman? Kung wala, wag mo nang ituloy ang pagbabasa.
Paggising mo sa umaga anong una mong ginagawa? Nananalangin ka ba? Umiinom ng kape? Umeebak? Kumakain? Naliligo? Nagdodota? Nagsisipilyo? Nag-eexercise? Para saan? Para kanino?
Paggising ko sa umaga, nag-isip ako, ilang gising na ba ang ginawa ko para sa isang common goal? Ang pumasok sa eskwela. Ilang taon na? Labing-lima, labing-anim? labing-pito? Mula nung kinder ako hanggang ngayong kolehiyo, ilang gising na yun? Kung bibilangin ko baka masiraan ako ng ulo.
Nakakasawa!
Gusto ko nang mabago ang dahilan ng paggising ko. Gusto ko na sana sa mga susunod na gising ko, hindi na pagpasok sa eskwelahan ang dahilan kundi para pumasok sa trabaho, sa paghahanapbuhay at kung ano pang mga dahilan para maging isang kapaki-pakinabang na tao. Isa lang naman ang kasagutan sa lahat ng yon. Ang makapagtapos ako.
Ikaw anong dahilan ng paggising mo?
Huwag mong hahayaang dumaan ang isang buong bente kwatro oras ng isang araw na wala kang nagawang kapaki-pakinabang.
Huwag kang makuntento na kaya ka buhay ka ngayon ay dahil humihinga ka. Alamin mo kung anong kontribusyon mo sa mundo. Kaya ka nga nag-aral eh, yun ang gagamitin mong armas sa laban ng buhay. Isantabi mo muna ang mga bagay na pumipigil sayo sa pagtatamo mo ng tagumpay. Iwaksi ang katamaran! Hindi ka na bata, para manghingi ng pera sa iyong mga magulang, magpaluto ng iyong kakainin, magpalaba ng iyong mga damit.
Hanapin mo ang iyong buhay. Harapin mo ang mundo. Kung kaya nya, kaya mo rin. Nosi balasi? Wag kang matakot. Huwag
mong hayaang kainin ka ng luho at porma. Huwag kang ipost ang bago mong relo, sapatos, cellphone, damit at ang iniinom mong mamahaling kape sa FB. Di naman ikaw ang bumili nyan. COM. Cash Of Mommy. Kung gusto mong matustusan ang luho mo sa buhay, sikapin mong makapagtapos, magtrabaho, at maging matagumpay para kahit bumili ka ng isang mall, walang kukwestyon sayo dahil sa sarili mong bulsa nanggaling ang perang ginamit mo.
Para naman sa iba na hindi pinalad na nakapag-aral, may lakas ka, may talento ka, gamitin mo yun para makahanap ng ikabubuhay. Huwag mong masyadong sisihin ang gobyerno sa kahirapan na tinatamasa mo ngayon. Kasi may kontribusyon ka sa kalahati ng kahirapang nararanasan mo ngayon.
Ang kakarampot na barya na dapat sana ay pang-almusal kinabukasan ay pinantaya mo sa Lotto, may natira man, ipinang-share mo pa sa inuman. Ang kinita mo sa maghapong paglalako ng isda ay ipinakipagsapalaran mo s
a Jueteng. Ang dalawang oras na gagamitin mo sana sa pag-aapply sa trabaho ay itinulog mo. Naging motto mo sa buhay ang "Di bale nang tamad, di naman pagod".
Ang mundo ay isang malaking entablado para sa ating lahat. Nakatutok sa iyo ang spotlight, kumilos ka. May kani-kanyang role tayong ginagampanan. Sa pagkakataong ito, ikaw din ang director sa pinili mong role. May mga pagkakataong may script na dapat sundin at meron din namang wala. Ikaw ang guguhit sa iyong kapalaran. Dapat maging makatotohanan ang acting. Sa bandang huli, ikaw din ang may kapangyarihang tuldukan ang ka
rera ng iyong buhay at nakadepende dun kung anong klaseng luha ang papatak sa iyong mga palad. Luha ng kabiguan o pagtatagumpay.
Magandang umaga sa iyo kaibigan!
http://www.linxdown.eu/335959-autodesk-autocad-2011-service-pack-2.0-x86x64.html
http://www.streammedias.com/autodesk-autocad-2011-service-pack-2-0-x86-x64-t401588.html