gravatar

Cannot Be Rich

KAYAMANAN.

Yamashita. Malaking bahay. Magandang asawa. Malaking kita. Mataas na sweldo. Masarap na pagkain. Magandang cellphone. Magarang kotse.

Ikaw? Anong depinisyon mo ng kayamanan?

Hindi maikakaila na karamihan sa atin na ang pangunahing pinanggugugulan ng lakas ay upang magkamit ng kayamanan dito sa mundo. Tayo ay nagtatrabaho upang yumaman. Tayo ang nagnenegosyo upang yumaman. Ang mga pulitiko ay tumatakbo sa pwesto upang lalong yumaman. Tayo ay nag-aaral upang yumaman sa hinaharap. Magiging ipokrito ako kung sasabihin kong kaya ako nag-aaral ngayon ay dahil upang makapaglingkod sa bayan at kung kanino pa man. Natural kaya ako nag-aaral upang makakuha ako ng magandang trabaho sa hinaharap na dahilan upang magkasahod ako ng malaki at iyon ang aking magiging daan sa pagpapayaman.

Malaki ang ginagampanang papel sa buhay natin ang kayamanan. Ginagamit natin ito upang matustusan ang ating mga pangunahing pangangailangan, pagkain, damit, at tirahan. Iyon ay kung ang hawak mong kayamanan ay sapat lang upang mairahos ang araw na araw na pamumuhay. Eh pano kung mayaman ka? Pag marami kang pera ka, mabibili mo ang iyong gusto;

ang inorder mong happy meal sa isang fastfood ay maaring pagkain   na ng isang pamilya sa isang iskwater areapinakamagandang cellphone, pinaka-latest na laptop, pinakabagong labas na kotse at minsan pinakabagong modelo ng kaibigan. Mapag-aaral mo ang iyong mga anak sa pinakamagandang unibersidad. Makakapag-shopping ka sa Greenbelt na parang nagpapa-load ka lang. Makakapagtour ka sa iba't- ibang parte ng mundo na parang nagjojogging lang. Makakapagpagawa ka ng bahay na malaki pa sa isang linya ng mga iskwater na kahabaan ng ilog Pasig. Kakain ka ng masarap.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon at pahihintulutan ng tadhana, gusto ko din yumaman, sino ba ang ayaw? Masarap siguro mabuhay ng magara. Wala kang magiging problema. Wala kang katatakutan. Ay meron pala, si Kamatayan. KJ!

Lahat tayo walang takas kay Kamatayan. Oo, pati mayayaman. Wala pa naman naimbentong aparato ang mga siyentipiko na nagooffer ng buhay na walang hanggan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa ibayong mundo.

Ngayon ibalik mo ang tinanong ko sayo kanina, "Ano ang Depinisyon ko ng Kayamanan"?

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi ako mahihiyang sabihin ang gasgas na katagang "Ang Kalusugan ay Kayamanan" sapagkat totoo yon. Kung malusog ka, matagal mong maeenjoy ang iyong kayamanan. At para mag-enjoy ka, kailangan mo ng kaibigan at pamilya, mga kaibigan at pamilyang nandiyan hindi lamang dahil mayaman ka, kundi dahil alam nila na pinagyayaman mo ang bawat sandali at alaala ng inyong pagsasama.

Mahalagang mag-ipon ng kayamanan. Hindi natin madadala ang kayamanan sa kamatayan. Ang pag-iipon ng kayamanan sa langit ang pinakamaganda nating gawin habang tayo ay naglalakbay dito sa lupa. Ang simpleng pagtulong sa kapwa at pagsamba sa Maykapal ay isang magandang investment. Simulan mo na mag-ipon.

Best Seller

TIMELINE

TRACK MY PROGRESS