Kape < Coffee
Habang nagba-browse ako ng mga bagay-bagay sa aking Facebook page, marami akong napansing mga elemento na kung saan napukaw ang aking atensyon. Isa na rito ay ang mga nilalang na nagpopost ng kung anu-ano gaya ng "Having my breakfast@Ziggurat Cuisine. Yum!", "Eating pizza@Pizza Hut", "Workout@Gold's Gym", "Time for some snacks@Taco Bell", "Just want to say Hi to my relatives in San Diego California" at kung anu-anu pang mga bagay na gusto nilang sabihin. Ang galing. Ang lupet! Walang sinabi yung ulam ko na tuyo at kamatis at tortang talong at itlog na maalat. kaklase nung highschool. Madami kaming napag-usapan. Palitan ng kuru-kuro at mga bagay patungkol sa mga nangyayari sa mundo. Napakahalaga ng aming topic. Isa dito ay ang maggotry. (Basahin ang mga naunang akda upang masubaybayan ang depinisyon ng salitang "maggotry") . Isang araw, nasa school ako. Nag-cr ako pra magwiwi, sakto namang nakasabay kong mag-May I go out ung seatmate ko. Ayun, pagtapos umihi, naghugas ako ng kamay gayundin sya. Palabas na sana ako at yayayain sya ngunit nawili ako sa mga seremonyas na g inawa nya kaya't pinanuod ko muna sya. Nag-hand sanitizer muna sya pagtapos, pahid ng wet wipes sa kanyang mukha. Hindi pa dun nagtatapos ang seremonya. Magiting nyang ipinahid ang lip balm sa kanyang mala-cherry lips. at bilang panghuli, buong tindig nyang pinolbuhan ang makinis na mukha. Inalok nya ko ngunit mabilis akong tumanggi. Tinanong ko sya tungkol sa belt bag nya na nakasabit sa kanyang palasinturunan. Ako: "Tol anu yan, kikay kit?" Siya: "Hindi tol, Minsan kase nag-ooily ung face ko kya lagi kong dala to. Hehehe baka biglang may bumagsak na Colt 45 sa amin. Atleast makakailag ako.
.
Patuloy ang aking pamamasyal sa News Feed habang umiinom ng kape, may nakasukbit na Fortune lights sa aking mga labi. Sa bawat higop ng maligamgam na kape,sabay ang paghithit sa sigarilyong punung puno ng bitamina at sustansya tulad ng nicotine, carbon monoxide at Vitamin X. Nakita ko ang old school picture ko sa isa sa mga photo albums ko. Napaisip ako. Andami nang nagbago saken. Gaano kadami? Sa parehong paraan kung gano kalaki ang kaibahan ng kape at coffee.
Nakachat ko si Bryan aka Blue, isang dating
Sa paglipas ng panahon, maraming mga bagay ang nag-iiba sa kanyang orihinal na porma. Mula sa mga sasakyan, damit, sapatos, telepono, computer, contact lens, camera, atbp. Nag-iiba rin pati ang mga taong nilalang. Kung dati uso ang posturang mala-Robin Padilla, ngayon ang uso ay Korean look. Kung dati uso ang bad boy style, ngayon nice guy high. Kung dati babae lang ang naglilip balm,pulbo at foundation, ngayon pwede na rin pati sa lalake. (hindi bakla,as in lalake) Kung ayaw mong matawag na Korean wanna-be o Justine Beiber, wag kang magpahaba ng buhok. (Buti na lang semi-kalbo ako) Hihintayin ko munang matapos ang Korean at Beiber fever bago ako ulit magpahaba ng buhok. May ikukwento ako.
.
Pero di ko na masyadong pinakinggan yung huling bahagi ng kanyang pagpapaliwanag sa kadahilanang ako'y abala sa pagtingin sa may bandang kisame. Kinakabahan kasi ako
Uso din ang K-pop singing groups ngayon lalo na sa mga kababaihan. Ito ay yung mga lalakeng sumasayaw sayaw habang kumakanta sa malumanay na tinig. Ito ay yung mga lalakeng mas maganda pa sa babae. Ito ay yung mga modernong bersyon ng A1 o Westlife noon. Ito dun yung mga lalake na sa aking tancha na kapag sinuntok mo sa labi ay magdudugo agad at isusumbong ka sa kanyang mga followers na babae at ikaw ay kamumuhian ng lahat at marahil ay magpepetion sa korte na ikaw ay isabit sa plaza at pagbababatuhin ng taumbayan dahil sa ginawa mong magsapak sa kanilang iniidolo. Ang mahirap pa dun, baka makatanggap ka ng death threat. Tigok.